Ang E portfolio ay na ito ay naglalaman ng Limang akademikong Sulatin sa asignatura ng Filipino sa piling Larangan,ay isang mahalang naglalaman ng bawat akademikong.
Halimbawa ng akademikong sulatin:
BIONOTE- Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa bilang propesyunal.
HALIMBAWA ng BIONOTE:
Si Benidick P. Diango ay 17 taong gulang na isinilang sa Quezon city noong Marso 29,2001 siya ay kasalukuyang nag-aaral sa paaralang Largo High School. Na kasalukuyang kinukuha ang Business Management sa baiting 12 siya ay may sinalihang club sa Holy spirit. Noong siya’y nasa baiting 9 at may limang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa Elementarya sa Holy spirit. at Maari niyo kong makontak sa aking Facebook Account @benidickdiango.
Si Andrea Louise Nacino ay 17 taong gulang na isinilang sa Tarlac Provincial Hospital noong Disyembre.26,2000 sya ay kasulukayang nag aaral sa Lagro High School sa Kursong Accountancy Business and Management. Nagkaroon sya ng mga karangalan noong sya ay nasa Grade 9 sya ay ikalawa sa klase at sa Grade 10 naman ay nangunguna sa klase mahilig din syang sumali sa aktibidad sa paaralan (Miss SciMath, Intramurals, Track & Field) Ilan lang yan sa mga karalangan nya. Naniniwala sya na kung may gusto kang makuha mo ito bastat ito’y iyong pinaghihirapan at walang natatapakang tao. Ginawa nya ding motibasyon ang kanyang pamilya. Si Andrea Nacino ay makokontak sa kanyang Facebook Account andrealouisenacino at sa Gmail ay andrealouisenacino38@gmail.com at sa intragram ay Alnacino.
Si Rebecca Turla Cuyugan ay isinilang noong June.07,1963 sa La Purisima, La Paz, Tarlac, 55 taong gulang. Sya ay nakapagtapos sa Unibersidad ng PUP MANILA (Polytechnic University of the Philippines). Ang kanyang Kursong kinuha ay Business Accountancy, 32 years na syang nagtatrabaho sa National Food Authority osang Government Employee bilang Administrative Office 4. Pinili nya ang kanyang kasulukuyang trabaho dahil mas gusto nyang magtrabaho sa Gobyerno dahil ito ay may Security of Tenure. Si Rebecca ay makokontak sa numerong 09328654780 at sakanyang Facebook Account rebeccaturlacuyugan.
Si Jirehmin David Abad ay 16 taong gulang sya ay isinilang sa Tarlac Provincial Hospital noong February.27,2002 sya ang kasalukuyang nag aaral sa Lagro High School sa Kursong Accountancy Business and Management. Nagkaroon sya ng karangalan noong sya ay nasa Grade 5 Best in Math at noong sya ay Grade 7 sya ay Pangalawa sa Klase sya mahilig sa sumali mga organisasyon at aktibidad sa paaralan. Naniniwala sya sa sarili nya na kaya nya ding gawin ang kayang gawin ng iba ginawa nyang motibasyon ang kayang mga Magulang, titser at mga kaibigan upang sumali at makaranas ng ibat ibat aktibidad. Sya ay makokontak sa kayang Facebook Account Minminabad at sakanyang Gmail Account ay minminabad27@gmail.com.
Abstrak- Ang Abstrak ay isang maikling Buod batay sa Pananaliksik,Tesis,Rebyu o katitikan ng Komperensya.
HALIMBAWA NG ABSTRAK:
Pamagat:Lebel ng kasiyahan ng mgamamimili (customer satisfication)sapagbili Online. Mananaliksik: Mercurio,Lovely ciane Paaralan: Lagro High school Tagapayo:Ruth Ocampo Gabiane Petsa: Marso,2018
ABSTRAK
Lebel ng kasiyahan ng mgamamimili (customer satisfication)sapagbili Online.
Ayon sa mga Mananaliksik mahalagang Mapag-aralan ang negosyong online shoping dahilang makikinabang ang mga taong bumibili. sa online at paano masisiyahan ang mga kostumer na bumili sa kanila at magand aang serbisyong mula sa negosyong Online.
• Paano nakaapekto ang demograpikong propayl ng mga respondante sa persepyon ng mga mamimili sa pagbili ng Online • Ano-ano ang persepsyon ng mga kostumer sa pamimili Online • Ano-ano ang instandard sa Pamimili Online Ayon sa mga Mananaliksik mahalagang Mapag-aralan ang negosyong online shoping dahilang makikinabang ang mga taong bumibili. sa online at paano masisiyahan ang mga kostumer na bumili sa kanila at magand aang serbisyong mula sa negosyong Online.Ang disenyo at pamamaraang ginamit ay deskriptibo ng pananaliksik.Gumamit sila ng sarbey sa pagkalap ng datos sa mga pampublikong gumagamit ng teknolohiya para sa pamamaraan ng pagbenta ng online sa mga tao.
Nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey sa mga pampublikong lugar sa Quezon City. Pili lamang ang mga kapanayam nakabilang sa online nasa 50 ng mga kapanayam at ginamitan ito ng purposive sampling. upang malaman kung gaano karami ang gumagamit ng online shopping.
Isinulat ni: (Benidick P.Diango)
Pamagat: Paraan ng pagbabadget ng isang mag-aaral ng Abm Strand: Isang Pagsusuri. Mananaliksik: Austria et.al Paaralan: Lagro High School Tagapayo: Ruth O Gabiane Petsa: Marso,2018
ABSTRAK
Pamagat: Paraan ng pagbabadget ng isang mag-aaral ng Abm Strand: Isang Pagsusuri. Mananaliksik: Austria et.al. Paaralan: Lagro High School Tagapayo:Gng. Ruth Ocampo Gabiane Petsa:Aug 2018 Isang Deskriptibong Pamaraan:
•Suliranin -Ayon sa mananaliksik mas marami ang mga mag aaral ng abm strand sa lagro high school na pumili at magtabi ng kanilang natitirang pera upang makaipon ayon sa graph ay mas pinagkakagastusan nila ang pagbili ng pagkain kaysa sa ibang bagay.
• Layunin – Ano ano ang mga demograpikong propayl ng mga respondents? -Papaano nagkakaiba ang pagbabadget ng mga mag aaral ng Abm? -Ano ano ang paraan ng tamang pagbabadget at pag gastos?
• Metodolohiya -Ang pamaraan at disenyong ginamit at deskriptibong pananaliksik. Nag sagawa sila ng sarbey sa pagkalap ng datos sa pampublikong paaralan ng Lagro High School Q.C sa 260 na estudyante sa seksyon ng Abm Strand ang nakilahok sa nasabing sarbey at ginamitan ito ng ramdom sampling.
• Saklaw -Nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey sa mga mag aaral ng Abm Strand sa paaralan ng Lagro High School Q.C bilang respondents. Pili lamang ang kinuha nasa 100 na mga respondents ginamitan ito ng random sampling upang malaman kung gaano karami ang mga marunong magbadget.
Isinulat ni: (Andrea Louise Nacino)
Talumpati- Ay isang Pormal,mahalaga at napapanahon na magsilata sa mga madla.
Halimbawa ng Talumpati:
“ Epekto ng teknolohiya”
Sa paghihirap ng pilipinas dati ay mabagal ang pag-angat ng komunidad dahil sa mabagal na mga kagamitan na dapat mapabilis ang paggawa ay naapektuhan ang pagbaba ng bansa dahil din dito ang mga Taong hindi nakapag-aral ay may posibilidad na kaunti lamang ang kaalaman nila tungkol sa bansa dahil sa mabagal na pag-angat.subalit noong nagbago ang henerasyon ang mga dating kagamitan ay posibilidad na mapabilis ang mga gawain dahil sa makabagong kagamitan na kung tawagin ay ang mga teknolohiya na makakapag pabago sa bansa at makakapag-angat sa Bansa. dahil ang silbe ng teknolohiya ay pamamaraan sa pamumuhay sa ibat-ibang uri ng larangan pangkabuhayan na kadalasang makikita sa mga trabaho,paaralan at sa ano mang pagagamitan ng bansa. maging sa ating komunikasyon ay mailalahad sa balita ang totoong nangyari sa mga tao kung tawagin ay Oras Mismo na mabilisang pagkalat dahil sa teknolohiya. at nakakatulong din ito sa mga paaralang mga unibersidad na ang mga mag-aaral ay pwede mag parehistro sa mga paaralang unibersidad na nangangarap sa buhay at kahit hindi ka nakapag-aral ay makakatulong parin ang teknolohiya sa iyo na magkaroon ka ng kaalaman gamit lang ang teknolohiya na nagsisilbing pagahahanapan ng kasagutan sa mga tanong mo kaya malaking pagbabago nang dumating ang teknolohiya sa ating bansa.
Isinulat ni: (Benidick P.Diango)
BULLYING
Ang pang bubully ay may kanya kanyang interpretasyon sa bawat taong nakakaranas nito marahil sa iba ay maraming natutuwa ngunit sa iba naman ay nakakasakit sa damdamin ngunit bakit patuloy padin itong lumala sa panahon ngayon lahat ng bagay na pangit sayo yun ang mapapansin nila lahat ng pagkakamali mo, hindi nila naiintindihan ang sitwasyon ng ibang tao basta maging masaya lang sila sa ginagawa nila. Bullying? Bakit nga ba madaming nabubully at nanahimik nalang sa sulok kapag sila ay naapi? Dahil ba ayaw nila ng away o baka naman ayaw nilang mapansin kaya nag mumukmuk nalang sila parati at nag iisa sa tabi, marami na sa kabataan ngayon nakakaranas nang pang bubully at nangbubully,kapag nabully ka noon ay pwede kana rin bang gumanti o mangbully ngayon o dahil ba trip lang nila at nagpapansin dahil sa bahay ay hindi napapansin ng pamilya mo at nangunguha ng atensyon sa iba. Sa mga nakaranas ng bullying maraming aral ang natutunan nila kagaya nalang ng natututo silang nagiging matatatag at natututo sa bawat problema o pang aapi natututo din silang alagaan ang kanilang mga sarili at mag karoon ng self-esteem upang maipakita nila na malakas sila at hindi na mag papaapi at natututo din silang rumespeto at magpakumba sa bawat taong di marunong makisama o sa nga nangbubully.
Isinulat ni: (Andrea Louise Nacino)
Ang Sistensis ay isang pamamaraan kung saan ang isang manunulat o tagapagsalita ay sinasabi ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kumpleto at detalyadong paraan.
Halimbawa ng Sintesis:
“Pagkaadik ng mga tao sa Paninigarilyo”
Layunin: Sa pag-aaral na ito, layunin nitong matulungan ang mga tao na makaiwas sa paninigarilyo at pagbibigay ng ilang payo kong ano ang maaring maidulot ng paninigarilyo sa ating katawan sa ibang tao at maging sa ating kapaligiran lalong lalona sa mga kabataang nalulong sa paninigarilyo.
Uri: BackGround Sintesis
Thesis Statement: Ang pagkaadik ng mga tao sa Paninigarilyo ay makakaapekto ito sa ating kalusugan ng mga naninigarilyo.
Pagbubuod: Pamaraan na ginamit: PAGBUBUOD Sinasabing lahat ng uri ng paninigarilyo ay nakakasama sa kalusugan. Ito ay may 600 ibat-ibang uri ng kasangkapan na kapag nasunog naglalabas ng 7,000 mahigit na kemikal at lason na nag dudulot ng kanser sa 69 na tao. Sinasabi nila mas mapanganib ang tabako o nganga dahil itoy nagtataglay ng carcinogen at lason kumpara sa paninigarilyo at sa mga second hand smoke ay mas delikado at nakakatakot dahil sa pinsalang dala nito ay maaaring makamatay. Ang epekto ng ng paninigarilyo ay may taglay na nicotine na makakaapekto sa Utak at pakiramdam ng tao at may kakayahang magpabago sa pakiramdam ng tao isang segundo lang nito ay maaring pasiglahin ang pakiramdam ng isang tao dahilan ng mabilisang pag akyat ng nicotine sa utak, nawawala din ang epekto nito na nagdudulot din ng mabilis na pagkapagod ng katawan at hahanapin ang mas marami pang nicotine o sigarilyo nakakaadik ang paninigarilyo dahil sa taglay nitong nicotine. Na mas pinatataas nito ang posibilidad na paghina ng mata, ng katarata at biglaang panlalabo ng mata, paghina ng panlasa,pang amoy at problema sa baga na sa pagdaan ng panahon at magiging dahilan ito sa paghina sa pagsala ng mga pagkain. Meron din epekto ang paghinto sa paninigarilyo nagpapahina din ito sa pagiisip na magdudulot ng pagkabahala, pagkairita, depresyon at kaakibat na dito ang pananakit ng ulo at problema o mahihirapan sa pagtulog. Sa lahat ng sistemang cardiovascular ay papataasin nito ang bloodsugar, papakiputin ang ugat na dinadaanan ng dugo, pinababa ang good cholesterol, nagpapataas ng presyon na nauuwi sa stroke at pagkakaroon ng kanser sa dugo o lukemia kumpara sa hindi naninigarilyo.
Background Sintesis: Ano ang masamang epekto ng paninigarilyo Ernesto Reyes (Pebrer. 21, 2017) *Ang usok na galing sa tabako ay mapapanganib sa kalusugan ng tao at sa lahat ng uri ng paninigarilyo ay nakakamatay. Ang paggamit ng kung ano-ano ang kasangkapan ay makapagbabawas sa pinsalang dala nito sa kalusugan. Ang dulot o epekto ng paninigarilyo ay nakakasama sa kalusugan na mas malamang na tatamaan ang naninigarilyo gaya ng madalas na pagubo, impeksyon sa baga, sipon, at trangkaso at hindi lang sa naninigarilyo ito mapanganib kundi pati na rin sa mga nakakalanghap ng usok nito na nag dudulot ng ng panghihina ng baga, impeksyon sa tenga, pag-ubo at pagkakaroon ng pulmunya at bronchitis. Sa paghinto ng paninigarilyo ay nagbinigay din ng masamang epekto sa kalusugan ng tao pinahihina nito ang ang pag iisip dahilan nito ng pagkabahala, pagkairita at depresyon. Ang syndrome o sintomas ng paninigarilyo ay nagdadala ng pananakit ng ulot at problema sa pagtulog. Ang paninigarilyo ay may taglay na nicotine at sa ating katawan ay nagtataglay din cortcesterone isang uri ng hormone. Na kapag tayo ay may problema o kaya ay stress ay mas maraming nicotine o sigarilyo ang kailangang ubusin upang maramdaman ang epekto nito. Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng posibilidad na palalabo ng mata,paghina ng mata, ng katarata at pinahihina din nito ang ang kakayahang makalasa at makaamoy ng pagkain na nagdudulot ng pagkawala ng gana o di pag enjoy sa pagkain at pagtaas at biglaang pagdami ng Sugar sa dugo (Blood Sugar) Pagbabara ng duro, pagbaba ng good cholesterol at pagtaas ng presyo na nauuwi sa stroke.
Isinulat ni: (Andrea Louise Nacino)
Anyo: Explanotory
“Pagkaadik ng mga kabataan sa Kompyuter games”
Ayon kay Edmund kam,Ang epekto ay sobrang pag-lalaro,at hindi na ito napipigilan. ngunit bakit hindi ito napipigilan?maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga gawain,Lalo na sa pag-aaral.kaya naman ang paglalaro nang kompyuter ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan at mapaglilibangan.Maraming Mag-aaral ang nagwawaldas nang kanilang mga pera sa paglalaro ng Kompyuter,Ang kanilang pera ay ginagamit nila upang ipambili ng perang ginagamit sa ilang kompyuter games.Ang paglalaro ng mga larong ito ay aksaya sa Oras lalo na at kinakain nito ang oras upang mapaunlad ang iyong sarili at ang iyong pag-aaral.Ang epekto sa mga kompyuter games nilalayo ang mga mag-aaral sa tunay na Mundo na dapat para sa kanila.Ang mundo dapat ay lumilinang sa kanilang mga isipan para maging propesyonal sa hinaharap.ito ay nagbibigay ng halimbawang hindi makakatulong sa paghubog ng mga Mag-aaral sa kanilang pagkatuto.Sa sobrang epekto ay hindi na pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan.Mahirap pigilan ang paglalaro nito ngunit kung hindi ito matitigil paano na ang kinabukasan nang ating bayan kung ang mga kabataan ay iba na ang Mundong Ginagalawan at hindi na din pinapahalagahan ang Pag-papaunlad ng mga kanilang sarili.Paano na ang susunod na henerasyon kung hindi pinapahalagahan ang edukasyon na siyang susi sa bawat maunalad na bansa.
Isinulat ni: (Benidick P.Diango)
Anyo: Explanatory
Panukalang Proyekto
Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng LHS
- PROPONENT NG PROYEKTO: LHS PTA
- PAMAGAT NG PROYEKTO: Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng LHS
III. PONDONG KAILANGAN: Php.20.000
- RASYONAL
Pagbibigay ng kapaki-pakinabang at organisadong silid-aklatan sa LHS
- DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO
- Deskripsiyon
Pagsasaayos at a-apdeyt ng silid aklatan ng LHS
- Layunin ng Proyekto
Mabigyan ng kalidad na sanggunian at reperensiya ang mga mag-aaral ng LHS
- KASANGKOT SA PROYEKTO
Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod: • LHS • LHS PTA
VII. KAPAKINABANGANG DULOT
Ang mga mag-aaral ng LHS ay sinasanay na sa mga kakayahang kailangan sa pananaliksik mula pa sa ika-pitong baitang hanggang sa huling taon ng Senior High. Kasama pa dito ang mga karagdagang kompetensiyang pinapantayan sa isang Lagro high school. Kaugnay nito, mahalagang magkaroon ang mga estudyante ng mga sangguniang may mataas na kredibilidad, tulad na lamang ng mga aklat. Bukot sa mataas na kalidad ng sanggunian, ang pagkakaroon ng mas maayos na silid-aklatan ay makapagbibigay din ng tahimik na espasyo sa mga mag-aaral lalo na sa mga nangangailangan ng karagdagang panahon para matuto.
VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itnatakda ang mga sumusunod na mga gawain o hakbangin:
- GASTUSIN NG PROYEKTO
Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang paaralan ng kabuuang halagang Php. 20.000 na inlalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.
|